Kinakailangan nang sumailalim sa regular real-time Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang sektor para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, walang dapat gagastusin ang mga manggagawa sa COVID-19 testing.
Batay sa Joint Memorandum Circular No. 20-04 series of 2020, o ang Department of Trade and Industry (DTI) and Department of Labor And Employment (DOLE) Supplemental Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19, sasailalim sa RT-PCR test ang mga manggagawa sa tourist zones, local manufacturing companies, transport and logistics, food retail, education, financial services, non-food retail, services, public market, construction, water supply, sewerage, waste management, public sector at mass media.
Dapat maibigay ang sick leave benefits, medical insurance coverage kabilang ang supplemental pay allowance para sa COVID-19 RT-PCR test confirmed employees o close contacts na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.
Para sa proper management ng asymptomatic at symptomatic cases, nire-require ang mga employer na tiyakin na ang kanilang mga empleyado, anuman ang work arrangements ay kailangang may access sa telemedicine services.
Mayroon din dapat na maayos na ventilation sa loob ng workplace, kabilang ang pagkakabit ng exhause fans at air filtration devices.
Naging epektibo ang joint memorandum noong August 15, sakop ang lahat ng establisyimento, projects, sites, kabilang ang mga establishments na matatagpuan sa loob ng special economic zones.