Nananatiling epektibo ang RT-PCR test na gold standard pagdating sa COVID-19 testing.
Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) sa gitna ng mga lumalabas na bagong COVID-19 variant na hindi umano nakikita sa pamamagitan ng RT-PCR test.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinabulaanan ng mga eksperto ang mga naturang ulat na hindi nakikita sa RT-PCR test ang bagong variant na nagmula sa France.
Una itong natukoy sa France noong nakaraang buwan kung saan hindi naman ito lumalabas na mas delikado at nakakahawa.
Sa kabila nito, una nang hinikayat ng OCTA Research ang DOH na paigtingin pa ang ginagawang contact tracing at ipatupad ang mandatory quarantine period para sa mga papasok sa bansa.
Facebook Comments