Inalis na rin ang pag-oobliga sa mga biyahero at turistang bakunado na tutungo sa Pilipinas na magpakita ng RT-PCR negative test results.
Ito ang inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco sa press briefing sa Malakanyang.
Aniya isa ito sa napag-usapan sa isinagawang Cabinet meeting sa Malakanyang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Habang obligado naman na magpakita ng antigen test result na kinuha 24 oras bago ang pagdating sa Pilipinas ang hindi bakunadong biyahero o turista.
Samantala, inalis na rin ng pamahalaan ang One Health Pass at pinalitan ng E-arrival platform para mas maging magaan at mabilis ang biyahe.
Sinabi ni Sec. Frasco, sasagutan lamang ang sampung tanong para magkaroon ng E-arrival card.
Facebook Comments