Pinalawig ng Department of Tourism (DOT) hanggang Disyembre ang pagbibigay ng Reverse transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test subsidy para sa local travelers
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ang mga turistang sasailalim sa RT-PCT test sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ay makakakuha ng 50% subsidy hanggang December 31, 2021.
Ang mga sasailalim naman sa RT-PCR test sa University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) ay pwedeng maka-avail ng 50% subsidy hanggang August 31, 2021.
“So naisipan namin i-extend ito kasi lalo na wala nang age restrictions pero ang ang hiningi ng IATF na iyong below 18 at above 65, talagang stressed na dapat may negative RT-PCR swab. Naisip naming i-extend ito kasi talagang napakamahal pa rin ang [unclear] na swab. So naisip naming i-extend ito para makamura at makapagbakasyon na ang ating mga kababayan,” ani Puyat.
Hanggang nitong Hunyo 23, sinabi ni Puyat na umabot sa 43,351 ang mga turistang nakinabang sa 50% RT-PCR test subsidy ng DOT.