RT-PCR TEST SWABBER TRAINING, ISINAGAWA BILANG SUPORTA SA PATULOY NA NARARANASANG PANDEMYA

Matagumpay na naisagawa sa lungsod ng Alaminos ang RT-PCR Test Swabber Orientation & Training sa kabila ng patuloy na kinakaharap na pandemya.
Dinaluhan ang nasabing training ng hanay ng PNP, BFP, City Health Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office at Red Cross.
Layunin ng aktibidad na lalo pang madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga nasa frontline services at madagdagan ang mga swabbers sa lungsod upang maging handa ngayong panahon ng pandemya.

Ipinapaabot naman ng lokal na pamahalaan ang pasasalamat at suporta sa makabuluhang pagsasanay na sa tulong ng Philippine Red Cross Alaminos City-Western Pangasinan Chapter at Molecular Lab, Red Cross – Clark Pampanga. | ifmnews
Facebook Comments