Personal na tinanggap ni PMaj. Brendalyn Jacob, PCR at PCO ng RTC 2 ang kanilang premyo na P15,000 mula sa LGU Cauayan at iba pang partner agencies.
Ayon kay PMaj. Jacob, pinaghandaan aniya nila ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon sa pag-eensayo.
Inspirasyon aniya nila sa paglahok sa mga aktibidades na mailapit sa komunidad at makatulong sa taong bayan.
Samantala, nakuha ng DepEd Elementary ang pangalawang pwesto na may P12,000 cash prize at 3rd placer naman ang LGU Cauayan na tumanggap naman ng P10,000 na premyo.
Ang mga grupong hindi nanalo sa Zumba contest ay nabigyan naman ng tig-P3,000.
Bukod dito, ginawaran din ng special award ang iba pang nakilahok tulad ng dalawang pinakabatang lumahok na sina Ian Von Aggana at Mark Anthony Lumabi na parehong labing-apat na taong gulang at Lolita Salvador bilang pinakamatandang kalahok naman na may edad 78 taong gulang.
Naibigay din sa RTC 2 ang early bird award; most numbered participants sa ISU Cauayan at Best in Zumba Outfit sa Z Girls.