RTC Branch 18 Judge Dizon, Magpapakamatay kung Mapatunayang may Kabalbalan!

Cauayan City, Isabela- Handa umanong Magpatiwakal sa harap mismo ng Justice Hall si Judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 Ilagan City, Isabela kung mapapatunayan na siya’y gumagawa ng kabalbalan sa kanyang trabaho.

Ito ang naging hamon ni Judge Dizon kina Mrs. Ruby Minda Diamante at Merlyn Garo na naging sentro sa isinagawang Entrapment Operation noong May 7, 2018 na pawang mga empleyado ng korte sa City of Ilagan.

Ibinalik pa ni Judge Dizon kina Diamante at Garo ang kanilang paratang na ginigipit umano nito ang dalawa dahil sila mismo umano ang nanggigipit sa hukom.


Kinumpirma rin ng hukom sa RMN Cauayan na galing mismo sa kanya ang sampung libo na iniabot sa isinagawang Entrapment Operation noong May 7, 2018 kay ginang Diamante at limang libo naman kay ginang Garo at di bale umanong gumasto siya ng kanyang sariling pera basta maalis lamang ang mga empleyadong Corrupt sa hukuman.

Nilinaw din ni Judge Dizon na hindi umano frame–up ang isinagawang Entrapment Operation dahil hindi umano nila pinilit sina Diamante at Garo na tanggapin ang pera bagkus tinanggap mismo ng mga ito ang nasabing pera.

Hinamon ngayon ni Judge Dizon sina Diamante at Garo kung kaya rin bang magpatiwakal ang mga ito sa harap ng Justice Hall kung napatunayan ng hukom kung tumanggap ng pera at gumawa ang mga ito ng kabalbalan sa kanilang trabaho.

Facebook Comments