Tinututukan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang mabilis na pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas.
Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, mahalagang ma-monitor ng RTWB ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo upang mapagdesisyunan agad kung kinakailangan ang pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa para makasabay sa mataas na presyo ng bilihin
Una nang humirit ang grupong Partido Manggagawa (PM) ng ₱100 across the board wage increase dahil hindi na makasabay sa mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig.
Buwan ng Hunyo ng taong ito nang magkaroon ng adjustment lamang sa sweldo ng mga manggagawa.
Facebook Comments