RUBBER STAMP | Constituent Assembly, magiging rubber stamp lamang ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi na magugulat ang ilang mga taga-oposisyon kung magsisilbing rubber stamp ng Pangulong Duterte ang Constituent Assembly na babalangkas sa Federal Constitution.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, naging rubber stamp ang Kongreso ng Pangulo matapos na aprubahan agad noon ng Kamara ang death penalty bill at mabilisang kinatigan ng dalawang kapulungan ang hiling ng Presidente na Martial Law Extension sa Mindanao.

Ang ConAs ay bubuuhin ng supermajority na solid na taga-suporta at tagasunod sa kung anong nais ng ehekutibo.


Dahil dito, sinabi ni Lagman na hindi na nakapagtataka kung agad ay aaprubahan ng mga mambabatas na bubuo sa ConAs ang mga probisyon na nais ng Malacañang na nakapaloob sa Federalism charter.

Hiniling naman ni Lagman sa ConAs na aprubahan ang mga proposed amendments pagkatapos ng masusing debate dito.

Facebook Comments