Wednesday, April 8, 2026

RUBBER TREE PLANTING, ISINAGAWA SA BALON BONUAN PARA SA MAS LUNTIANG KINABUKASAN

Nagsagawa ng tree planting activity ngayong araw sa Barangay Balon Bonuan bilang bahagi ng adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalakas ng environmental awareness sa komunidad.

Pinangunahan ng Barangay Council sa pamumuno ni Kapitan Noel Balolong Bumanglag, kasama ang mga estudyante ng Universidad de Dagupan, ang pagtatanim ng rubber tree para sa mas luntiang at ligtas na kapaligiran.

Layunin ng proyekto na hikayatin ang mas marami pang residente, lalo na ang kabataan, na makilahok sa mga programang pangkalikasan.

Ang nasabing gawain ay patunay na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, makakamit ang isang mas luntian at maayos na kinabukasan para sa buong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments