Ruby Rodriguez, isinugod sa ospital

1637

Isinugod sa ospital kagabi ang Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez dahil sa stomach ailment.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Ruby ang picture ng kanyang kamay na nilagyan ng Intravenous Fluid (IV) therapy at may caption na, “Hate this but…”


Hindi idinetalye ng TV Host kung anong stomach ailment ang dumapo sa kanya.

Sa post naman ng anak ni Ruby na si Antoinette “Toni” Aquino, sinabi nito na lubhang nag-aalala siya sa kanyang ina dahil hindi niya ito kasama ngayon.

20 minutes daw siya na nag-iiyak matapos malaman ang nangyari.

Nagbilin pa si Toni sa ama na si Mark na alagaan si Ruby.




Nakabase ngayon ang 22-anyos na si Toni sa California at engage na noong 2018 sa kanyang fiancé na si Ricardo Centurion, na nagsisilbi sa U.S. Army.

Facebook Comments