Ruby Rodriguez, pinabulaanang patay na ang kapatid na doktor na tinamaan ng COVID-19

9614
Ruby Rodriguez. Photo: IG

Itinanggi ni “Eat Bulaga” host Ruby Rodriguez ang balitang pumanaw na ang kapatid niyang si Dr. Sally Gatchalian dahil sa COVID-19.

Si Dr. Gatchalian ang presidente ng Philippine Pediatric Society at isa sa mga front liner na napabalitang nagpositibo sa coronavirus.


Sa Twitter nitong Linggo, nilinaw ni Rodriguez na nasa ospital at lumalaban pa ang kanyang kapatid.

β€œI have been quiet all this time about Dr Sally Gatchalian status. Yes she is my sister. Yes she is confined. Yes we all are praying and scared,” saad niya.

β€œBut when Fake News spreads and people texting me Condolences. I Ask Please She is fighting! She is weak but stable. Please,” dagdag niya.

 

As of March 23 5 p.m, mayroon ng 462 kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa bansa, 33 rito ang namatay, habang 18 na ang gumaling.



Facebook Comments