Ruffa Gutierrez, nag-reach out sa ex na si John Lloyd Cruz

Showbiz – Nag-reach out ang aktress na si Ruffa Gutierrez sa aktor na si John Lolyd Cruz na nasasangkot ngayon sa isang kontrobersya.

Ito’y matapos na umani ng batikos sa netizens ang video ng aktor na tila nakainom sa kanilang bakasyon kasama si Ellen Adarna sa Cebu.

Say ni Ruffa, ipinagdadasal niya si Lloydie at sana ay malampasan nito ang kanyang kinaharap na kontrobersiya.


Nagpasalamat naman sa kanya ang aktor dahil naaalala pa rin sya nitong kumustahin.

Una nang nagkaroon ng relasyon ang dalawa ngunit naghiwalay rin matapos ang isang taon.

Facebook Comments