Ruiz, sinagot ang kumakalat na larawan niya kasama ang isa sa mga suspek sa missing sabongeros

Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) ang kumakalat na larawan ni Sec. Jay Ruiz kasama ang dating tauhan ni Atong Ang na isinasangkot sa pangkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro , batay sa pag-uusap nila ni Ruiz ay naimbitahan lang daw ang kalihim sa kaarawan ng isang social media content creator kung saan kuha ang lumabas na larawan.

Dagdag pa ni Castro, pinaunlakan ni Ruiz ang imbitasyon pero hindi na aniya kontrolado ng kalihim kung sino ang iba pang naimbitahan sa naturang okasyon.

Batay sa lumabas na mga larawan, kasama ni Alan Bantiles sina Ruiz at maging sina Sen. Erwin Tulfo at Chavit Singson sa magkakahiwalay na okasyon.

Facebook Comments