Rule of Law, dapat na mamamayani sa operasyion ng PNP laban kay KOJC Founder Pastor Apollo Quiboloy

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na kailangan maipakita na ang namamayani ay ang Rule of Law.

Ito ang inihayag ni DOJ Usec. Raul Vasquez sa isinagawang Forum sa Quezon City, kaugnay ng nagpapatuloy na paghahanap sa Founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quibuloy sa Davao.

Paliwanag pa ni Usec. Vasquez, na ang Rule of Law ang dapat na nangingibabaw sa nangyayari sa isinasagang operasyon ng mga pulis, hindi ang Freedom of Expression, Relihiyon, at Freedom of Association lalo’t isang law full order ang ipinatutupad ng mga miembro ng PRO -11.


Giit pa ni Usec. Vasquez na hindi maaring kontrahin o baliin ng kautusan ng isang Regional Trial Court (RTC), na mula naman sa isa pang RTC.

Nais din malaman kung ang Philippine National Police (PNP) o Department of the Interior and Local Government (DILG) ay naghain na sa hukuman ng Petition to Nullify o Petisyon na humihiling sa hukuman na ipawalang bisa ang kautusan ng hukom mula sa Davao RTC.

Posible ani Vasquez na nagkaroon ng pagmamalabis sa naging desisyon ng hukom ng Davao RTC.

Samantala, inihayag ni Vasquez na ang lahat ng kaso na may kinalaman kay Quibuloy at sa kanyang kasamahan, at may transfer order na mula sa Korte Suprema, kaya’t mahalaga na maghinay-hinay ang sinuman sa paghahayag ng suporta dahil hindi malayo na maharap sa kaso ang tumutulong sa pagtatago ng isang pinaghahanap ng batas.

Facebook Comments