Rule of Law, nanaig sa desisyon ng CA sa rebellion case – Trillanes

Pinuri ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang desisyon ng Court of Appeals (CA) hinggil sa pagbuhay sa kanyang rebellion case sa Makati City Court.

Nabatid na binaligtad ng CA Sixth Division ang kautusan ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 na muling pinabubuhay ang rebellion case ni Trillanes na may kaugnayan sa 2007 Manila Peninsula Siege.

Ayon sa CA, ang nag-commit ang Makati court ng “grave abuse of discretion” nang tanggihan nila ang testimonial evidence ni Trillanes hinggil sa amnesty grant noong 2011.


Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Trillanes na nanaig ang rule of law.

Nagpapasalamat si Trillanes sa CA justices na nagbaba ng naturang desisyon.

Umaasa siya na ang lahat ng mahistrado at hukom may mayroong ganiting “sense of justice” para silipin ang umiiral na authoritarianism sa bansa.

Noong August 2018, naglabas ng proklamasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa amnestiya na ipinagkaloob ng Aquino administration kay Trillanes dahil sa pagsasagawa nito ng coup d’ etat at rebellion charges na may kinalaman sa 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Manila Peninsula Siege.

Facebook Comments