Rule of Succession, ipatutupad sakaling hindi pa maaanunsyo ang susunod na PNP Chief

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang rule of succession nito kapag walang maitalagang papalit kay Outgoing PNP Chief General Archie Gamboa na nakatakdang magretiro sa Miyerkules, September 2.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, si PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Camilo Cascolan ang magiging Officer-in-Charge ng PNP, bilang ikalawang highest police official.

Gayumpaman, si Cascolan ay isa sa mga inirekomendang papalit kay Gamboa kahit mayroon na lamang siyang nalalabing dalawang buwan sa police service at nakatakda na ring magretiro sa November 10.


Sinabi ni Banac, nakalatag na ang lahat para sa retirement honors para kay Gamboa.

Kapag may itinalagang papalit, ang retirement honors ay susundan ng turnover ceremony.

Maliban kay Cascolan, kabilang din sa mga pinagpipilian bilang susunod na PNP Chief ay si Lieutenant General Guillermo Eleazar at Lt. Gen. Cesar Binag.

Facebook Comments