Manila, Philippines – Muling pumatol ang sexy actress na si Ellen Adarna sa kaniyang basher hinggil sa isyu ng pagbubuntis nito.
Ito ay matapos muling mag-post ng larawan si Ellen kasama ang rumored boyfriend na si John Lloyd Cruz, na magkasamang nagdiwang ng Pasko.
Sa comment section, tinanong ng isang basher kung buntis ba talaga ito, at may mga hindi magagandang salita pa itong sinabi kay Ellen.
Say naman ng aktres, hirap na hirap daw na mag-move on ang mga bashers niya at parang hindi na matanggap ang nangyari sa kanila ni John Lloyd.
Ipinagtanggol naman ng ilan supporters si Ellen kung kaya’t nanahimik na ang basher nito.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang dalawa simula nang magsama kung saan pinatawan ng indefinite leave si John Lloyd ng kaniyang mother network habang hindi na din nakarampa pa si Ellen sa mga fashion show.