RUMESBAK | Isang driver, patay matapos balikan ng kaniyang naka-away

Manila, Philippines – Patay ang isang 31-anyos na driver matapos barilin ng kaniyang naka-away sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Sa ulat, namatay habang ginamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang bikti­mang si Jelbert Pasuelo.

Pinaghahanap naman ng mga pu­lisyaa ang suspek na si alyas Marlon Santol na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, hinihintay ng biktima ang kanyang live-in partner at anak sa lugar nang biglang sumulpot ang suspek saka siya pinagbabaril.

Nabatid na dati nang alitan ang dalawa kaya at hinala ng pulisya na rumesbak ang suspek laban sa biktima.

Facebook Comments