Bulacan – Patay ang opisyal ng Anti-Kidnapping Group (AKG) na si PSupt. Arthur Masongsong matapos makaengkwentro ang isang grupo ng mga kidnapper sa Bulacan.
Isinugod naman sa Chinese General Hospital si Pcinsp. Reynaldo M. Lumactod.
Batay sa report, dinukot ang isang Raziel Esguerra noong madaling araw ng December 22, 2017 at ipinatutubos sa halagang 15 million pesos.
Batay sa usapan, sa Shell Gasoline Station sa Balagtas, Bulacan ide-deliver ang ransom money.
Agad na humingi ng tulong ang kapatid na si Roniel Bungay, sa AKG sa Camp Crame.
Dito na ikinasa ang isang entrapment operation.
Pero, inilipat ng mga kidnapper ang lugar sa Angat, Bulacan.
Sa may bahagi ng main road ng Crossing, Barangay Sta. Lucia, Angat, Bulacan natunton ang gamit na sasakyan ng mga kidnapper na isang puting Mitsubishi Adventure na may plakang SHP289 ng mga suspek.
Pero, nakatunog ang mga suspek na agad na pinaputukan ang operatiba ng AKG.
Dito na nagkapalitan ng putok, patay ang apat na kidnapper.
Pero nasawi si Masongsong at sugatan si Lumactod.