RUMESPONDE | Pulis, binugbog at ninakawan ng drug surrenderee at kanyang mga kasama; 2 sa 5 suspek, patay matapos manlaban

Ilo-Ilo – Nakatamo ng 3 hanggat 4 na tama ng bala sa katawan ang mga suspeks na nambugbog at nag nakaw sa isang pulis sa San Jose, Antique.

Nangyari ang insidente alas 2:30 ng madaling araw kahapon sa loob ng Royalty Tower Lounge sa barangay 5, San Jose, Antique.

Ang pulis na biktima ay kinilalang si PO2 Dennis Corcolla, Intelligence Police assigned sa San Jose Police Station.


Base sa statement ni PSI Marc Dado ang hepe ng San Jose PNP sa Antique na nagsasagawa ng surveillance monitoring ang nasabing pulis dahil umano sa report na may nagtatransaksyon ng iligal na droga sa lugar ngunit bigla nalang itong sinakal ng mga suspeks, binugbog, kinaladkad at hihnampas ng upuan.

Nagpakilala itong pulis ngunit kinuha parin ang kanyang wallet at ang kanyang armas ng mga suspek.
Dahil dito agad namang nagsagawa ng Hot Pursuit Operation ang Antique Police Drug Enforcement Unit (PDEU) sa pangunguna ni S/Insp. Marc Dado sa Barangay Madrangca, San Jose, Antique at doon nakasalubong nila ang 2 suspeks na sakay ng motor at pinaulanan sila ng bala.

Dahil sa nangyari gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang mga suspek na sina Kenneth Henry Tabarangao, na isang drug personality at drug surrenderee, 30 anyos residente ng Mandurriao, Iloilo City at pansamantalang naninirahan sa Madrangca, San Jose, Antique; at si Vidal Allado, 49, ng Madrangca, San Jose, Antique.

Maliban sa mga napatay na suspek, naaresto rin ang kanilang kasamahan na sina John Capinianes Allado, Louis Abono Allado, Residente ng Balabag, Pavia, Iloilo at Reynald Jordan ng Madrangca, San Jose, Antique at kasaluluyang nakakulong na sa San Jose Municipal Police Station.

Facebook Comments