RUMESPONDE | Treasurer ng barangay, sinuntok ng nagwawalang lasing, patay

Manila Philippines – Patay ang isang Barangay Treasurer matapos makasuntukan ang lalaking inaawat lang niya sa Laguna Extension, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Edgardo Maliclic, 46 anyos, Treasurer ng Barangay152, Zone 14, na naisugod pa sa ospital ngunit idineklara ng mga doctor na wala ng buhay.

Ayon kay Barangay Chairman Vicente Rodriguez, nagwawala si Michael Aparicio sa lugar kaya pinuntahan ni Maliclic, nakita sa kuha ng CCTV camera ng Barangay na may binabatong bahay si Aparicio at dito ay rumesponde ang biktima na humantong sa pagtatalo ng dalawa hanggang magsuntukan at magpambuno.


Saglit na natigil ang suntukan ng dalawa nang biglang sumugod ulit ang suspek sa biktima na napahiga sa kalsada hanggang sa nawalan ng malay.

Paliwanag ni Aparicio, hinamon siya ng suntukan ng Barangay Treasurer kaya niya sinuntok, pero siya ay nagsisi dahil kumpare niya ito at hindi niya magagawang patayin.

Facebook Comments