RUNNING NURSE NG BINALONAN, PANGASINAN, NASUNGKIT ANG 7TH RUNNER-UP SA 164-MILES ENDURANCE RUN 2025

Dala ang lakas, puso at dedikasyon sa pagtakbo, napagtagumpayan ni Romeo Quinsay, tubong Binalonan, Pangasinan ang kailan lamang idinaos na 164-Miles Endurance Run 2025.

 

164 miles, o Mula Baguio City hanggang Luneta, Manila, ganyan lang naman distansyang tinakbo ni Quinsay, at kahanga-hangang napabilang ito sa labing-anim na runner warrior, at isa sa sampung nakatapos sa karera.

 

Sa loob ng 52 hrs, 17 mins at 19 seconds, mahusay na natapos ni Quinsay ang patimpalak na Endurance Challenge Philippines.

 

Siya ang kauna-unahang Pangasinenseng nanalo sa nasabing paligsahan at binansagan bilang Running Nurse ng Binalonan, Pangasinan.

 

Pagbabahagi nito, Bago pa man ang 164-miles Endurance run 2025, sumali siya sa Manila-bataan 100 miles noong March 9 hanggang March 10 at tinanghal siya bilang 1st Runner Up. Noong May 31 hanggang June 1 naman ay sa Zambales 100 Miles at nasungkit ang 5th runner up.

 

Isa si Quinsay sa mga nagpakita ng lakas, galing, puso, at dedikasyon na ilan sa mga katangian ng isang Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments