Runway ng NAIA, pansamantalang isinara dahil sa mga lubak

Balik normal na ang operasyon ng international runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Alas 1:30 kaninang madaling araw nang pansamantalang isara ang runway para makapagsagawa ng repair sa mga lubak sa pavement.

Ayon sa Manila International Airport Authority, apektado ng pagsasara ng runway ang mga biyaheng gumagamit ng malalaking eroplano.


Nanatili namang bukas ang domestic runway 13-31.

Samantala, bagama’t tapos na ang pagsasaayos, nabago naman ang arrival schedule ng mga flights mula sa mga sumusunod na lugar:

  • Vancouver, Canada
  • Bangkok, Thailand
  • Hanoi, Vietnam
  • Los Angeles – kung saan inilipat din ang biyahe nito sa Clark International Airport kaninang alas-4:00 ng madaling araw.
  •  San Francisco
  • New York
  • Phnom Penh, Cambodia
  • Singapore
  • Jakarta, Indonesia
  • Ho Chi Minh, Vietnam
  • Dubai, UAE

Nagkaroon din ng delay sa departure schedules ng mga biyahe sa Hong Kong, Bangkok at Singapore.

Kaugnay nito, inabisuhan ng MIAA ang mga kaanak at kaibigan ng mga pasaherong apektado ng mga nabanggit na flights na tingnan ang status ng mga biyahe sa pamamagitan ng pagtawag sa NAIA sa:

  • NAIA Flight Information: +632 (02) 88771109
  • NAIA Terminal 1: local 2181
  • NAIA Terminal 2: local 2182
  • NAIA Terminal 4: local 2184
  • NAIA Terminal 3: +632 88777888 local 2183

Maaari ring magtanong via SMS hotline 0917-8396242 (0917-TEXNAIA) o sa pamamagitan ng voice hotline na 88771-111.

Facebook Comments