
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pansamantalang isinara ang Runway 07/25 ng Camiguin Airport.
Ito ay matapos itong bahain nang mag-overflow ang kalapit nitong creek, bunga ng Bagyong Basyang.
Kaugnay nito, naglabas din ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP hanggang bukas, February 7 ng alas-kwatro ng hapon.
Bunga ng pagsasara ng Camiguin Airport, kanselado ngayon ang Cebu Pacific flights DG6695 at DG6696 kung saan naapektuhan ang 67 na mga pasahero.
Pinapayuhan naman ng CAAP ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa updates ng flight schedules.
Facebook Comments










