Naglabas ang Civil Aviation Authroity of the Philippines o CAAP ng abiso na isinara ang runway ng Iloilo airport kaninang alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga.
Ito ay dulot ng isang emergency repair sa mga butas sa runway.
Pansamantalang hindi nagamit ang runway ng Iloilo Airport para sa pag take-off at landing ng eroplano.
Dahil dito, nagkaroon ng ilang minutong pagkaka-delay at naapektuhan ang ilang biyahe, gaya ng biyaheng mulang Iloilo patungong Maynila.
Bago mag-alas-12 ay inanunsiyo na ng CAAP na balik na sa normal ang runway ng Iloilo International Airport.
Facebook Comments