Runway sa NAIA, pansamantalang isinara para sa inspeksyon matapos ang lindol kanina

Pansamantalang isinara kanina ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) runways at taxiways matapos ang lindol kaninang pasado alas-10:00 ng umaga.

Ito ay para bigyang daan ang inspeksyon ng MIAA Ground Safety Units sa runway.

Bahagi kasi ito ng standard operating procedure para matiyak na ligtas ang paglapag at pag-take-off ng mga eroplano.


Bago mag-alas-11:00 ng umaga kanina ay natapos ang inspeksyon.

Tiniyak naman ng MIAA na hindi naapektuhan ng inspeksyon ang departure at arrival operations sa loob ng NAIA terminals.

Facebook Comments