“Business as usual”
Nananatiling normal ang operasyon ng lahat ng apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon ang mga airport official para matiyak na ang mga pasilidad at runway ay maayos kasunod ng pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Central Visayas na naramdaman din sa Metro Manila.
Ang MIAA management ay ipinag-utos ang engineering at safety teams na inspeksyunin ang kasuluk-sulukan ng airport terminals maging ang runway 06/24 at 13/31 upang matiyak na ligtas itong gamitin.
Walang bitak naman nakita sa runway at taxiways ng NAIA matapos ang pag-iinspeksyon.
Pagtitiyak ni MIAA General Manager Ed Monreal sa airline passengers na ligtas para sa landings at take-offs ang runway ng NAIA.