Isinusulong ngayon ni Senator Loren Legarda ang Rural Farms Schools Act bilang suporta sa sektor ng agrikultura.
Sa interview ng RMN Manila kay Legarda, sinabi nito na bukod sa suporta sa Department of Education (DepEd) na isa sa mga aktibong katuwang sa pagsulong ng mga programa hindi lamang sa pag-aaral at kalidad ng edukasyon, ay pagpapaigting din ang panukala sa economic development.
Nababahala naman si Legarda na siyang co-author ng panukala dahil sa agriculture broadcast ay edad-57 ang average age.
Dahil dito, sinabi ni Legarda na mahalaga na maging parte ng agriculture workforce ang mga kabataan dahil malaki ang tulong nito sa larangan.
Magagawa naman ito sa pamamagitan ng farm schools kung saan katuwang ang DepEd upang mahikayat ang mga kabataang tumulong sa sektor ng agrikultura.