RURAL HEALTH CENTER SA BUENLAG, CALASIAO, BALIK OPERASYON NA

Muling binuksan sa publiko ang Rural Health Unit II sa Brgy. Buenlag, Calasiao matapos ang mahigit isang buwan na renobasyon sa pasilidad mula noong Disyembre.

Sa bagong ayos na pasilidad, ginawang moderno at maaliwalas para sa mga pasyente at staff ang iba’t-ibang silid tulad ng laboratoryo, consultation room at pharmacy.

Inaasahan naman na magbabalik na sa dati ang operasyon ng mga serbisyo medikal tulad ng prenatal check-up, routine immunizations, at family planning, matapos ilipat sa kabilang rural health unit at barangay hall ang akomodasyon ng mga pasyente.

Bukod sa makabagong pasilidad,patuloy ang pagsisikap na mapabuti pa ang sistemang pangkalusugan kasunod ng isinagawang inspeksyon ng proyektong Calasiao Dialysis Center. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments