DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ang Rural Impact Sourcing (RIS) hub sa City Library na matatagpuan sa People’s Astrodome.
Ang RIS Hub ay isang uri ng Technology for Education to gain employment, train entrepreneurs towards economic development (Tech4ED) Center na naglalayong matulungan ang mga komunidad na walang sa access sa internet upang magkaroon ang mga ito ng digital connectivity.
Mayroon itong pitong computer set na mula sa DICT na libreng magagamit ng mga Dagupeño para sa kanilang pag-aaral, pagsasanay at hanapbuhay.
Ayon kay DICT Secretary Gringo Honasan, malaki umano ang role ng internet sa buhay ng tao kung kaya’t nais ng kagawaran na maabot nito ang mga malalayo at mahihirap na residente na mabigyan ng serbisyo.
Matatandaan noong nakaraang taon, nagkaroon ng memorandum of agreement ang lokal na pamahalaan at ang DICT para sa installation ng public wifi sa paaralan, ospital at libraries.