Russell Westbrook, binitbit ang Washington Wizards para tambakan ang Oklahoma City Thunder

Binitbit ni Russell Westbrook gamit ang kanyang triple-double performance upang tulungan ang Washington Wizards na tambakan ang Oklahoma City Thunder sa score na 129-109.

Sa pagbalik ni Westbrook sa Oklahoma ang siya namang nagbigay sa ika-pitong sunod na panalo ng Wizards.

Nagtala si Westbrook ng 37 points, 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-apat na sunod na triple-double laban sa dati niyang team.


Ito na ang ika-28 triple-doubles ni Russell ngayong season.

Sa ngayon, hawak na ng Wizards ang 26-33 record, habang nasadlak naman sa 20-40 ang Thunder.

Facebook Comments