Russell Westbrook, OKC Thunder nagkasundo sa five-year $205M contract extension

Sports – Pinirmahan ni reigning league MVP Russell Westbrook ang pinakamalaking contract extension sa kasaysayan ng National Basketball Association.

Nagkasundo kasi si Westbrook at ang Oklahoma City Thunder para manatili pa ito ng limang taon sa halagang $205M sa koponan.

May natitira pang isang taon sa lumang kontrata ni Westbrook. At kung isasama ang bago niyang kontrata, kikita si Westbrook ng $233M sa susunod na anim na taon.


Nagtala ng triple double–31.6 points, 10.7 rebounds at 10.4 assists– kada laro noong nakaraang season si Russell para makuha ang regular season MVP award.

Facebook Comments