Russia, hindi magkakaloob ng libreng bakuna sa Pilipinas

Hindi tulad ng China, walang donasyong bakuna ang Russia sa Pilipinas.

Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Soreta na walang commitment ang Russian government sa Pilipinas na magbibigay sila ng libreng mga bakuna.

Pero ang mga Pilipino sa Russia ay nakatanggap na aniya ng Sputnik V dahil ito ay libre.


Ayon kay Soreta, nakaugnayan niya ang ilan nating mga kababayan na naturukan na ng bakuna at wala naman aniya silang naitalang seryosong epekto nito.

Sa pinakahuling abiso ng Food and Drug Administration (FDA), pinag-aaralan pa nila ang aplikasyon ng Gamaleya para sa Emergency Use Authorization (EUA).

Inaasahang nasa 50 hanggang 100 million doses ng Sputnik V ang bibilhin ng Pilipinas sa Gamaleya.

Facebook Comments