Russia, inalok ang Pilipinas ng kanilang bagong developed COVID-19 vaccine

Malugod na tinatanggap ng pamahalaan ang alok ng Russia na bigyan ng supply ang Pilipinas ng potensyal na bakuna laban sa COVID-19.

Ang bakuna ay dinevelop ng N.F. Gamaleya ng Ministry of Health of the Russian Federation.

Ito ang tugon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pahayag ni Russian Ambassador to Manila Igor Khovaev na susuplayan ang Pilipinas ng potential vaccine na itinuturing niyang “ligtas” at “epektibo” laban sa virus.


Ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez, ang alok ng Russia ay ini-refer sa mga kaukulang ahensya para sa proper assessment at evaluation.

Iminungkahi ni Khovaev ang pagsasagawa ng clinical trials at pagtatatag ng vaccine production site kapag inaprubahan ito ng Pilipinas.

Facebook Comments