Russia, isinumite na ang Sputnik V sa WHO para sa Emergency Use Listing at pre-qualifications

Isinumite na ng Russian Direct Investment Fund (RDIF) sa World Health Organization (WHO) ang kanilang aplikasyon para sa Emergency Use Listing (EUL) at pre-qualification ng Sputnik V.

Ang EUL ang magpapabilis ng availability ng bakuna sa buong mundo habang ang WHO pre-qualification naman ay isang global quality tag na titiyak na epektibo at ligtas ang bakuna.

Oras na makapasa ang aplikasyon ng Sputnik V sa EUL, posible na itong payagang isama sa listahan ng medical products na naabot ang standard ng international body pagdating quality, safety at efficacy standards.


Samantala, ikinabahala naman ito ng ilang doktor at siyentipiko sa ibang bansa dahil wala pang kasiguruhan kung ligtas at epektibo ang nasabing bakuna.

Facebook Comments