Binalaan ng Russia ang mga kalapit bansa ng Ukraine kabilang na ang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na Romania na maaari silang madamay sa kaguluhan.
Ayon kay Russian Defense Ministry Spokesman Igor Konashenkov, batid nila na ang mga sasakyang panghimpapawid ng Ukraine ay dumadaan sa Romania at iba pang mga kalapit nitong bansa.
Aniya, ang paggamit ng airfield network para tulungan ang Ukrainian military aviation laban sa Russia ay maaaring maging basehan para masangkot sila sa kaguluhan.
Iginiit naman ni Romania Prime Minister Nicolae Ciuca na walamg dahilan para matakot sila sa Russia dahil inililihis lamang nito ang totoong nangyayari sa ground.
Samantala, umabot na sa 4,600 indibidwal sa Russia ang hinuli kasunod ng mga protesta doon.