Russia, gaganti kasunod ng pagpapatalsik ng Amerika sa 12 Russian diplomats sa UN

Pinalagan ng Russian government ang ginawang pagpapatalsik ng Amerika sa 12 Russian diplomats dahil sa umano’y pang-eespiya.

Sabi ni Russian Foreign Ministry Spokeswoman Maria Zakharova na hindi ito magiging epektibo hangga’t walang malinaw na dahilan kung bakit ito ginawa.

Mababatid na sinabi ng Amerika kamakailan na ang 12 Russian diplomats ay mga di umano’y intelligence operatives na nag-eespiya sa bansa dahilan para makitaan ito ng banta sa kanilang national security.


Kaugnay sa nagpapatuloy na tensyon ng Russia at Ukraine ay naniniwala si Russian Ambassador to the United Nations Gennady Gatilov na hindi nila nakikitaan ang Ukraine ng pagnanais na maayos ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi niya ito sa isang panayam matapos hindi makitaan ng pag-usad ang naganap na negotiation talks sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, lima ang patay matapos tamaan ng missile ang isang tore ng isang TV station sa Ukraine.

Matatandaang nagpahayag ang Russian Defense Ministry na pupuntiryahin nito ang mga communication at intelligence sites sa Ukraine na ginagamit umano sa information attacks.

Facebook Comments