Russia, nakaabang na rin sa susunod na presidente ng Pilipinas

Nakaabang na rin ang Russia sa susunod na magiging pangulo ng Pilipinas.

Sa pagharap ni bagong Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen kay Russian Foreign Affairs Minister Igor Morgulov, inihayag ng Russian official na umaasa sila na ipagpapatuloy ng susunod na pangulo ng Pilipinas ang nasimulan ni Pangulong Duterte na magandang pakikipag-relasyon sa Russia.

Ito ay lalo na aniya sa 2026 ay ipagdiriwang na ang ika-limampung anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Russia.


Nagpasalamat naman si Ambassador Bailen sa Russia sa pagpayag nito na maitawid sa kanilang bansa ang mga Pilipinong naipit sa Ukraine matapos ang pagpasok ng Russian forces.

Nagpasalamat din ang Pilipinas sa maayos na pagtanggap ng Russia sa mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho ngayon sa Russia.

Facebook Comments