Tiniyak ng Russia na handa silang maging partner ng Pilipinas sa Counter-Terrorism Efforts at ibahagi ang kanilang karanasan.
Pinuri ni Russian Pres. Vladimir Putin ang mga ginawang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapababa ang banta ng terorismo at mapalakas ang kakayahan ng Security Forces.
Nagpapasalamat din si Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap ang kanyang imbitasyon at maging bahagi ng valdai discussion club.
Iginiit ni Putin na mahalagang rehiyon sa buong mundo ang Asya lalo na sa pagbuo ng bagong Security Architecture.
Binigyang diin din ni Putin ang kontribusyon ng pangulo sa pagpapalawak ng multifaceted cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang trade sa pagitan ng pilipinas at russia ay lumago sa 1.2 billion dollars.
Isinusulong din ng Russia ang pagtatatag ng direktang koneksyon sa pagitan ng mga negosyan ng dalawang bansa.