Ipinag-utos ng Russia ang 10 diplomat ng Estados Unidos na umalis sa kanilang bansa.
Ito ang ganti ng Moscow matapos paalisin ng Washington ang ilang Russian diplomats dahil pagsasakangkot sa iregularidad.
Ang retaliatory package ay inaprubahan ni Russian President Vladimir Putin, tugon sa mga ipinataw na sanctions ng US sa kanila.
Kabilang sa mga pinatawan ng ban ng Russia dahil sa pagkakadawit sa “anti-Russian course” ay sina Federal Bureau of Investigation (FBI) Director Christopher Wray, Director of National Intelligence Avril Haines, U.S. Attorney General Merrick Garland, at Secretary of Homeland Security Alejandro Mayorkas.
Kasama rin sa entry ban sina Federal Bureau of Prisons Director Michael Carvajal, Domestic Policy Council Director Susan Rice, former U.S. National Security Advisor John Bolton, at dating CIA head Robert James Woolsey.
Sa statement of Russian Foreign Ministry, panahon na para sa Estados Unidos na magpakita ng “good sense” at humarap sa isang “confrontational course”.
Kung hindi tatalima ang US, ipapatupad ng Russia ang mga hakbang na posibleng ‘makasakit’ sa US economy.
Wala pang tugon ang White House hinggil dito.