Russia – puspusan na ang paghahanda para sa p agbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa

Manila, Philippines – Todo-paghahanda na ang ginagawa ng Russia para sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodirog Duterte sa bansa sa Mayo.

Ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev – inihahanda na nila ang mga kasunduan na dapat pirmahan ng dalawang pangulo.

Bukas din aniya ang kanilang bansa na pag-usapan ang kahit anong nais ng Pilipinas lalo na ang mga bagay na magpapabuti sa relasyon ng dalawang bansa.


Pero aniya, dapat ay alinsunod ito sa kanilang prinsipyo at sa international law.

Umaasa naman ang ambassador na magiging matagumpay ang anila’y “milestone” sa bilateral relation ng Pilipinas at Russia.

Facebook Comments