Russia, sinimulan na ang produksyon ng COVID-19 vaccine na Sputnik V para sa Pilipinas

Nagsimula na ang Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ng Russia sa produksyon ng COVID-19 vaccine na Sputnik V na nakalaan sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine ambassador to Russia Carlos Sorreta, tinutupad ng Russia ang ipinangako nitong bakuna na nakatakdang ihatid sa Pilipinas.

Hangga’t nagpapatuloy aniya ang magandang ugnayan ng dalawang bansa, kumpiyansa siyang walang magiging hadlang sa pagbili ng Pilipinas ng bakuna.


Aminado naman si Sorreta na sadyang mataas ngayon ang demand ng COVID-19 vaccine, pero may commitment aniya ang Gamaleya na kaya nilang matuguan ito.

Nabatid na anumang araw ay nakatakdang dumating sa bansa ang inisyal na 20,000 doses ng Sputnik V habang sa katapusan ng Abril o sa unang linggo ng Mayo naman darating ang karagdagang 500,000 doses nito.

Facebook Comments