Russia trip ni Pangulong Duterte, ipinagtanggol ng Palasyo

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Palasyo ng Malacañang ang mga sumama sa Russia triop ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa harap narin ng ikinasang imbestigasyon ni Senador Grace Poe dahil masyado umanong marami ang sumama sa biyahe ng Pangulo na umani din ng ilang batikos mula sa Publiko.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang pasya ni Senador Poe na amgsagawa ng imbestigayson pero bawat miyembro aniya ng delegasyon ni Pangulong Duterte sa Russia ay may kanya-kanyang mahahalagang papel na ginampanan.
Sinabi pa ni Abella na dapat ay maintindihan na si Pangulong Duterte ay pinagaganda at pinatatatag ang relasyon ng Pilipinas sa international Community.
Matatandaan na kasama sa biyahe ni Pangulong Duterte ang ilalang celebrities at maraming opisyal ng Pamahalaan na kasama pa umano ang kanilang mga pamilya.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments