MANILA – Tutulong ang Russia sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo at piracy.Ito ang inihayag ni Eduard Mikhailov, Deputy Commander of Flotilla of Pacific Fleet o Russia kasabay ng pahiwatig na magkaroon ng joint exercises kasama ang Pilipinas.Ayon kay Mikhailov – gagawin nila ang kanilang makakaya para maihatid ang kinakilangang suporta sa Pilipinas.Kasabay nito, iginiit ni UP Diliman Director of Law of the Sea Prof. Jay Batongbacal, na dapat maghinay-hinay ang bansa sa alok ng Russia.Ayon kay Batongbacal – pangkaraniwan na ang joint exercises kontra priracy, terosimo at human trafficking pero ibang usapan kung may kinalaman ito sa external defense.Nasa bansa ngayon ang Russian navy anti-submarine ship admiral tributs at ang sea taner boris butoma para sa isang goodwill visit at mananatili sa bansa hanggang Sabado.
Russia – Tutulong Sa Paglaban Ng Bansa Sa Terorismo At Piracy. Pero, Ilang Eksperto – Binalaan Ang Pilipinas
Facebook Comments