Russia-Ukraine crisis, huwag gamiting palusot sa oil price hike

Iginiit ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas na hindi dapat gamitin ng oil companies ang Russia-Ukraine crisis para magpalusot sa pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Sinabi ng kongresista na sinasamantala ngayon ng mga kompanya ng langis ang krisis para lalong palobohin ang kanilang tubo at pataasin pa ang presyo ng petrolyo.

Paliwanag ni Brosas, ang pinakahuling oil price hike ngayon ay kasama pa sa ilang linggo nang imbentaryo ng langis na ibinebenta ngayon kaya hindi pa ito apektado ng banggaan ng Russia at Ukraine.


Aniya pa, mahigit sa 90% ng langis na inaangkat ng bansa ay mula sa Middle East at hindi galing sa Russia.

Bunsod nito ay muling iniapela ng mambabatas ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pagsuspinde o pag-alis sa excise tax sa petroleum products sa ilalim ng TRAIN Law.

Facebook Comments