RUSSIA – Sumabog ang isang unmanned cargo ship na magdadala sana ng suplay sa International Space Station (ISS) ilang sandali matapos itong mag-launch.Ayon sa Russian space agency na Roscosmos, naganap ang pagsabog ng cargo ship sa kalawakan ng bulubunduking bahagi ng Tuva region ng Russia.Lulan sana nito ang 24 na tonelada ng pagkain, kagamitan at fuel na nakalaan para sa crew ng ISS.April 2015 nang sumabog rin ang isang Russian cargo ship na naging dahilan para naman mahinto ng tatlong buwan ang space travel operations ng Russia.Nitong nakaraang buwan lamang lumipad patungong ISS ang tatlong asronauts mula France, Russia at Amerika para sa kanilang tatlong buwan na space mission.
Facebook Comments