Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magbibigay ng Philippine citizenship via naturalization kay Russian figure skater Aleksandr Korovin.
Ito’y bilang bahagi ng paghahanda ng Pilipinas para sa 2026 Winter Olympics sa Milan at Cortina d’Ampezzo, Italy.
Sa ilalim ng Republic Act 12115, pinagkakalooban si Korovin ng Philippine citizenship kasama ang lahat ng karapatan, pribilehiyo, prerogative, tungkulin at obligasyon bilang isang Pilipino.
Inaatasan din ang atleta na manumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas.
Nakatakda namang maglalabas ang Bureau of Immigration (BI) ng certification of naturalization kung kaya’t magiging opisyal nang Russian-Filipino ang figure skater.
Facebook Comments