Russian hackers, sinusubukang nakawin ang mga data ng iba’t ibang bansa para sa bakuna laban sa COVID-19 ayon sa Britain

Inihayag ng Britain National Cyber Security Centre (NCSC) na sinusubukang nakawin ng mga hacker na suportado ng Russia ang mga research na ginagawa ng iba’t ibang bansa para sa bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa NCSC, gumagamit ang mga ito ng iba’t ibang paraan kabilang ang spear-phishing at mga malwares na tuma-target sa mga organisasyong may kaugnayan sa COVID-19 vaccine research and development.

Kabilang din umano sa mga bansang target ng mga hacker ang Estados Unidos, Japan, China at Africa.


Samantala, pinabulaanan naman ito ni Russian President Dmitry Peskov kung saan iginiit niyang walang basehan at sapat na ebidensiya ang mga ibinabatong alegasyon laban sa Russia.

Facebook Comments