Dumaong sa bansa ang Russian Navy ship na kinikilalang pinakamalaki at pinakamalakas na tugboat sa buong mundo.
Nitong Biyernes lamang dakong alas-kwatro ng hapon nang dumating ang Russian Navy ship sa Manila South Harbor.
Ang nasabing tugboat ay isang Offshore Rescue Tug na inilunsad noong 1989 at kilala sa tawag na Fotiy Krylov, hango kay Fotiy Ivanovich Krylov, pinuno ng EPRON at Emergency Rescue Directorate ng USSR Navy noong 1932 hanggang 1943.
Binansagan naman ito ng Guinness World Records bilang pinakamalaki at pinakamalakas na tug vessel sa buong mundo dahil sa natatanging kapabilidad nito.
Hanggang ngayong araw na lamang ito mananatili upang isagawa ang goodwill visit nito sa bansa kung saan lulan ang 70 Russian Navy.
Facebook Comments